PNP walang namo-monitor na banta kasunod ng pambobomba sa Thailand

by Radyo La Verdad | August 18, 2015 (Tuesday) | 1559

MAYOR
Walang anomang bantang namo-monitor ang Philippine National Police sa Pilipinas.

Kaugnay ito ng pambobomba kagabi sa Thailand na ikinasawi ng mahigit sa dalawampu at ikinasugat ng mahigit sa isang daang tao.

Gayunman, inatasan na ng pamunuan ng PNP ang Intelligence Group na higpitan ang monitoring upang hindi malusutan ng mga masasamang elemento at dagdagan ang police visibility lalo na sa mga vital installation ng bansa.

“he directed all intelligence unit to conduct an intensified monitoring and information gathering to deter any person that may take advantage to the situation.” pahayag ni PNPPIO Chief, P/CSupt. Wilben Mayor.

Tags: ,