PNP may bago na namang Hepe ng Public Information Office

by Radyo La Verdad | June 10, 2015 (Wednesday) | 3221

PNP
Pinalitan na naman ang Hepe ng Public Information Office ng Philippine National Police na si PNP PIO Chief P/ Sr. Supt. Bartolome Tobias epektibo ngayong araw makalipas lamang ang mahigit na isang buwan.

Itatalaga si Tobias bilang Liaison officer ng PNP sa DILG o Senior Police Assistant ni DILG Sec. Mar Roxas kapalit ni P/SCSupt. Danilo Pelisco.

Si Tobias ay pinalitan naman pansamantala ni P/CSUPT. Wilfredo Franco na galing naman sa Directorate for Police Community Relations.

Ito’y habang hinihintay ang pagbabalik ng nakabakasyong si P/CSupt. Wilben Mayor na ibinalik sa PIO mula sa Directorate for Intelligence.

Ayon kay PIO OIC P/CSupt. Wilfredo Franco, ang patuloy na paggalaw sa mga posisyon ay bahagi ng re-organization ng pambansang pulisya.

Nagalaw ang posisyon ng mga opisyal dahil sa pagre -retiro ni P/Dir. Rolando Purruganan na hepe ng Directorate for Comptrollership.

Sinabi ng bagong tagapagsalita ng Pambansang pulisya na bagamat tuloy-tuloy ang paggalaw sa mga posisyon ng mga opisyal ng PNP, hindi naman ito nakaaapekto sa pagbibigay nila ng maayos na serbisyo.

Tags: , , , , , ,