PNP, umaasang maipapasa na sa 17th congress ang isinusulong na PNP Reorganization and Modernization Bill

by Radyo La Verdad | January 11, 2017 (Wednesday) | 1264

LEA_PNP
1998 pa nang unang ihain sa Kongreso ang PNP Reorganization Plan subalit hanggang ngayon ay hindi pa ito naisasbatas.

Kaya naman sa kasalukuyang Kongreso ay umaasa ang pambansang pulisya na ito ay maisasbatas para sa ilang mga pagbabago sa estraktura ng PNP.

Nakapaloob sa panukalang batas na ilipat na sa pamamahala ng PNP ang mga training para lahat ng nagnanais na maging pulis.

Ayon sa PNP malaki ang pagkakaiba kapag nasa ilalim na ng pamamahala ng PNP ang Philippine National Police Academy at Philippine Public Safety College.

Kasama rin sa layunin ng panukalang batas ang tumanggap na ng K-12 graduates na may 72 collegiate units sa PNP, at ibaba na sa 5’2 mula 5’4 ang high requirement sa mga lalakeng nais mag-pulis habang 5’(flat) naman mula sa 5’2 para sa mga babae.

May mga bersyon na ang Kamara at senado sa panukalang batas at kasalukuyang nakapending sa committee level ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,