PNP tutulong sa pagbabantay sa granular lockdown areas

by Erika Endraca | September 16, 2021 (Thursday) | 5297

METRO MANILA – Ipapatupad na ngayong araw ang bagong guidelines ng granular lockdown quarantine alert level system sa Metro Manila upang mapigilan ang pagdami ng COVID -19 sa National Capital Region.

Ayon kay Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar handa na ang PNP para sa implementasyon nito.

“Handa na ang inyong pnp sa pagpapatupad ng mga bagong patakaran alinsunod sa guidelines na inilabas para sa enforcement ng granular lockdown at quarantine alert level system sa Metro Manila” ani PNP Chief Police Gen. Guillermo Eleazar.

Ayon pa kay General Eleazar tutulong din ang mga police personnel sa mga barangay officials sa pagpapatupad ng curfew hour at pagbabantay sa lugar na may lockdown.

“We are continuously coordinating with the LGUs in Metro Manila for proper enforcement of these rules from the identification of areas that would be placed under lockdown up to the distribution of assistance to the affected residents.”

Nanawagan naman ang pamunuan ng PNP sa mga residenteng maaapektuhan ng mga lockdown sa NCR na makipag tulungan. Upang mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na virus.

“Sa ipapatupad na patakarang ito,hinihiling namin ang pakikipag-tungan ng ating mga kababayan upang maayos na maipatupad ang mga ito at kalaunan ay makamit ang mithiin ng mga alituntuning ito na makontrol at tuluyang matapos ang pandemyang ito.” ani PNP Chief Police Gen. Guillermo Eleazar.

(Zy Cabiles | Laverdad Correspondent)

Tags: ,