PNP, tiwalang simula na ng kapayapaan sa Mindanao kasunod ng decommissioning ng armas ng MILF

by Radyo La Verdad | June 16, 2015 (Tuesday) | 3165

PNP
Naniniwala ang Philippine National Police na ang Decommissioning ng mga arms ng Moro Islamic Liberation Front ang unang hakbang tungo sa pagkakamit ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Ayon kay PNP PIO OIC P/CSupt. Wilfredo Franco, positibo silang ito na ang hudyat ng tuloy tuloy na prosesong pangkapayapaan sa rehiyon.

Sinabi pa ni Franco na bagamat may usapin pa hinggil sa mga nawawalang baril ng SAF 44, hihintayin na lamang nila ang announcement ng grupo kung nasaan at kung kelan nila isosoli ang mga ito.

Naniniwala rin silang magkukusa ang MILF na isoli ang mga nawawala pang armas ng SAF 44 kung hawak pa nila ang mga ito bilang pagpapakita ng sinseridad sa pagkakaroon kapayapaan sa Mindanao.

Tags: ,