Bukas ang Philippine National Police Special Action Force na tumulong sa gagawing reorganisasyon at paglilinis sa New Bilibid Prison.
Gayunman sinabi ni PNP Deputy Chief for Operations PDDG Danilo Constantino na hindi sila maaarig permanenteng magbantay sa mga preso gaya ng nais ni incoming justice secretary vitaliano aguirre.
Sinabi ni Constantino na nakaatang sa balikat ng SAF ang paglaban sa mga teroristang tulad ng bandidong Abu Sayyaf kaya’t hindi maaaring mabawasan ang pwersa ng mga ito para ilagay sa NBP.
Maaari sigurong gamitin ang SAF sa unang stage lamang ng implementasyon nang kanilangproyekto tulad nang paglilinis sa mga tiwali sa NBP subalit hindi maaaring pang matagalan.
Tumanggi namang sagutin ng hepe ng Special Action Force kung pabor sila at kung ilan ang kanilang pwersa sa kasalukuyan.
Hihintayin na lang anila ang pormal na kautusan para sa usaping ito.
Oktubre ng nakaraang taon inihayag ng tagapagsalita ng SAF na si PSInsp. Jayson Baldos na nangangailangan pa sila ng 5 libong tauhan upang madagdagan ang mahigit 4 na libong tauhan nila sa kasalukuyan.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)