PNP Responders, nanatiling nasa itaas ng rankings ng UNTV Cup Executive Face Off na may anim na panalo at wala pang talo

by Radyo La Verdad | June 18, 2018 (Monday) | 5898

Nanatiling undefeated ang PNP Responders habang nalalapit na ang pagtatapos ng first round eliminations ng UNTV Cup Executive Face Off.

Tinalo ng PNP ng Senate sa main game kahapon sa score 86 -64 sa Pasig City Sports Center.

Nanguna sa Responders si PSupt. Joel De Mesa na may 21 points at 4 na rebounds. Malaking kawalan sa Senate ang tandem nina Senators Joel Villanueva at Sonny Angara.

Si Senator Villanueva ay nag a-average ng 20 points per game sa mga nakalipas nilang laban. Lumabo na ang tsansya na maidepensa ng AFP Cavaliers ang kampyonato.

Sa ika-apat na pagkakataon, hindi pa rin nakatitikim ng panalo ang AFP matapos talunin ng DOJ Justice Boosters kahapon sa second game sa score na 77-69.

Malaking tulong sa arsenal ng DOJ si Senior Assistant City Prosecutor Nonilon Tagalicud na kumamada ng 21 points 11 rebounds at dalawang assist.

Dahil sa panalo ay nabuhayan ng pag-asa ang DOJ na may 2-3 panalo talo na makapasok sa play offs ngunit kailangan pa nilang maipanalo ng dalawang huling laban sa elimination rounds.

Samantala, lumaki naman ang tsansya ng Ombudsman Graft Busters na makapasok sa final four. Umangat sa 4-1 winloss record ang Ombudsman matapos talunin ang GSIS Thunder Furies sa first game 62-42.

Nabaon naman sa ilalim ang GSIS kasama ng Cavaliers.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,