Sa ikalawang pagkakataon lumahok sa World Police Olympics ang team PNP Responders ng Philippine National Police. Ang World Police Olympics ay taunang palaro para sa mga pulis ng iba’t-ibang bansa sa layuning mapalakas ang ugnayan ng mga ito.
Kabilang sa mga kalahok dito ang Police Department mula sa Los Angeles, New York, Spain, Hongkong, Lithuania, Brazil, Milwaukee, China, at Pilipinas. Nakuha ng PNP Responders ang 4th place sa 3 on 3 at 5 on 5 basketball competition.
Nabigo ang koponan na makuha ang 3rd place ang 3 on 3 category matapos matalo ng Milwaukee Police Department sa quarter finals. Samantalang tinalo naman sila ng koponan ng Hongkong sa 5 on 5.
Isa ang PNP Responders sa mga koponan na kalahok sa nakalipas na limang season ng UNTV Cup. Malaki ang pasasalamat ni PNP Responders sa suporta ng UNTV lalo na kay Kuya Daniel Razon.
Para sa PNP Responders, ang paglahok sa World Police Olympics ay isang magandang preparasyon sa kanilang nakatakdang pagsabak naman sa UNTV Cup Season 6.
(Aloy Kalingasan / UNTV Correspondent)
Tags: Kuya Daniel Razon, PNP Responders, World Police Olympics