PNP Regional Offices, pinaghahanda na para sa implementasyon ng Alert Level System nationwide

by Erika Endraca | November 8, 2021 (Monday) | 4288

METRO MANILA – Inaasahang ipatutupad na ng pamahalaan ang COVID-19 alert level system sa buong bansa pagpasok ng buwan ng Disyembre

Kaugnay nito, pinaghahanda na ngayon pa lang ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang mga pulis sa mga regional office para sa pagsasailalim sa alert level system ng mga lugar sa buong bansa.

Utos pa ng PNP Chief, dapat na pamilyar na ang mga provincial director at city director sa tamang implementasyon ng alert level system sa mga komunidad para maiwasan na magkalituhan.

Sinabi pa ni Gen. Eleazar na kasabay ng pagluluwag ng restrictions ay ang pagdagsa ng mga tao sa mga pasyalan at pamilihian kaya naman pinadadagdagan nito ang police visibility sa mga matataong lugar upang hindi nakaporma ang mga kriminal.

Paalala naman ng PNP sa publiko, maging alerto at sumunod sa health protocols.

Ang metro manila ay isinailalim na sa Alert Level 2 simula noong Nov.5 hanggang Nov.21.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: