PNP, pinaigting ang seguridad sa mga lugar na posibleng dagsain ngayong bakasyon

by monaliza | March 23, 2015 (Monday) | 1688

IMAGE_UNTV-News_JAN142012_PNP_-418x215
Mas pinaigting ng Philippine National Police ang pagbabantay sa seguridad, lalo na sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga tao.

Partikular nilang tututukan ang bus terminals, air and seaports para sa mga uuwi ngayong summer vacation pati na ang mga mall, beach resorts at iba pang pasyalan.

Ayon sa PNP, tumataas ang kaso ng snatching at pagnanakaw kapag ganitong panahon dahil abala ang mga tao sa pagbabakasyon.

Target rin ng PNP na magpakalat ng mga tauhan sa bakasyunan gaya ng Boracay, Puerto Galera at iba pang pamosong summer destinations; residential areas, malls at iba pang lugar.

Muli ring paalala ng PNP sa publiko na iwasan ang madalas na pag-update sa social media tungkol sa inyong kinaroroonan , kung sino ang kasama at kung ano ang ginagawa pati na ang paglalagay ng personal information para huwag mabiktima ng mga kriminal.

Para sa anumang sumbong, maaaring tumawag sa 117 hotline ng PNP o mag-text sa 0917-847-5757.