PNP, Philipine Army at Muslim leaders sa Tarlac, nag-usap patungkol sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lalawigan

by Radyo La Verdad | September 5, 2016 (Monday) | 4959

BRYAN_,TG
Kinondena ng Muslim community sa Tarlac ang ginawang pagpapasabog sa Davao City noong Biyernes ng gabi na kumitil ng labing apat na katao at nag-iwan ng mahigit anim na pung sugatan.

Ito ay sa isinagawang pag-uusap sa pagitan ng mga Muslim leader, 3rd mechanized Infantry Battalion ng Philippine Army, PNP at stake holders ng Tarlac.

Ayon kay Tarlac Muslim Covert Association President Yusop Lopez, suportado nila ang hakbang ng pamahalaan na all-out war kontra terorismo at illegal na droga sa bansa.

Ayon naman sa Philippine Army malaking bagay ang ganitong pakikipag-usap upang mapanatili ang kapayapaan sa lalawigan.

Maliban sa Muslim community plano rin ng 3rd menchanized battalion na kausapin maging ang mga makakaliwang grupo sa probinsya.

(Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,