PNP-Palawan, humihingi ng dagdag na tauhan mula sa Police Special Action Forces para sa election security sa Palawan

by Radyo La Verdad | May 4, 2016 (Wednesday) | 2332

ANDY_PNP
Kabi-kabila na ang naitatalang kaso ng krimen sa Southern Palawan habang papalapit ang araw ng botohan.

Sa ulat ng Palawan Provincial Police, partikular nilang namo-monitor ang mga kaso ng pamamaril sa bayan ng Bataraza na umabot na sa siyam mula Enero hanggang Abril 2016.

Kaugnay nito, umaapela ang Palawan Police sa Commission on Elections na bigyan sila ng dagdag na tauhan mula sa PNP Special Action Force upang makatulong sa pagbabantay ng seguridad sa lalawigan.

Pasok sa category 1 o areas of concern ang bayan ng Bataraza dahil sa mga naitatalang karahasan tuwing election period.

Maging ang munisipyo ng Aborlan Palawan at Puerto Princesa City ay mahigpit na ring tinututukan ng mga otoridad dahil sa mga insidente ng kaguluhan na kinasasangkutan ng supporters ng ilang lokal na kandidato.

Samantala tiniyak naman ng mga otoridad na magiging maayos ang paghahatid ng Vote Counting Machines sa mga munispyo sa Palawan at nakalatag na rin ang ipatutupad nilang seguridad para sa araw ng halalan.

(Andy Pagayona / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,