PNP operation na nagresulta ng pagkasawi ng 17-year-old student, iimbestigahan bukas ng Senado

by Radyo La Verdad | August 23, 2017 (Wednesday) | 2260

Nagpahayag ng sentimiyento ang ilang Liberal Party senators sa plenaryo kahapon kaugnay ng kampanya ng administrasyon laban sa ilegal na droga. Kung saan nasawi ang 17-year-old na estudyante na si Kian Delos Santos sa Caloocan City sa isang drug raid operation.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, matapos ang majority caucus, napagkasunduan nila ng mga kapwa senador na magsagawa imbestigasyon ukol dito.

Posible aniyang may naging pagkukulang sa panig ng PNP sa operasyon na nagresulta ng pagkasawi ni Delos Santos.

Ang komite ni Senator Lacson na Public Order and Dangerous Drugs Committee ang mangunguna sa imbestigasyon na ito sa Huwebes.

 

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,