PNP, nananatili sa full alert status kahit tapos na ang eleksyon

by Radyo La Verdad | November 1, 2023 (Wednesday) | 8990

METRO MANILA – Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na nananatili sa full alert status ang pambansang pulisya kahit tapos na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kamakalawa (October 30).

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, nakapagtala sa kabuoan ng 237 insidente ang pulisya simula noong August 28 election period.

99 sa naturang bilang ang walang kinalaman sa halalan, 103 ang patuloy na iniimbestigahan at 35 ang validated election related incidents.

15 sa validated election related incidents na ito ay nangyari sa mga lugar na nasa ilalim ng green category o lugar na hindi kasama sa mga idineklarang nasa ilalim immediate concern.

Tags: ,