Umabot na sa 12 ang insidente ng indiscriminate firing ang naitala ng PNP sa nakalipas na sampung araw. Karamihan sa mga ito ay nangyari sa Metro Manila kung saan nakapagtala ng 5 sa NCRPO, 1 sa Region 1, 2 sa Region 3, 1 sa Region 5, 2 sa Region 7 at 1 sa PRO-ARMM.
Kabilang sa NCRPO ay ang dalawang naarestong pulis na sina PO1 Arnold Gabriel Sabillo ng Montalban Municipal Station at PO1 Marbin Jay Pagulayan ng Malate Police Station.
Habang kabilang naman sa patuloy na pinaghahanap ang isa pang pulis na si PO1 Saharani Maca- Ayan ng Ganassi Municipal Police Station sa ARMM.
Sa kabila nito, itinuturing pa rin ng pambansang pulisya na mapayapa ang nakalipas na holiday season. Nagbabala na rin ang PNP na aarestuhin ang mga magpapaputok ng mga firecrackers sa hindi designated firecrackers zone.
Kabilang din sa ipinagbabawal na paputok ay ang piccolo, super lolo, whistle bomb, goodbye earth, atomic big triangulo, judas belt at watusi.
Muling paalala ng PNP sa publiko, iwasan ang pagpapaputok ng baril upang hindi makasuhan at upang makaiwas sa disgrasya.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com