PNP nakahanda na sa pagpapatupad ng seguridad sa iba’t ibang lugar sa bansa sa pagsisimula ng campaign period bukas

by Radyo La Verdad | February 8, 2016 (Monday) | 1592

PNP
Kasama sa memorandum order mula sa COMELEC ang panatilihin ang kapayapaan sa mga lugar na pupuntahan o iikutan ng mga kandidato.

Kaya naman ayon kay PNP PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, hiling ng PNP sa mga pulitiko na ipaalam sa pulis ang kanilang pupuntahang lugar para sa paglalatag ng maayos na seguridad ng publiko na dadalo sa kanilang mga pa-meeting.

Sinabi pa ni Mayor pinagtutuunan nila ng pansin ang mga lugar na kabilang sa listahan ng election watchlist.

Sa kasalukuyan nananatili pa rin sa hightened alert status ang buong pwersa ng PNP subalit posible itong tumaas habang papalapit ang halalan.

Kaugnay nito, mahigpit pa rin ang paalala ng pamunuan ng PNP sa kanilang mga tauhan, panatilihin ang pagiging apolotical at tanging pagbibigay seguridad lamang ang kanilang magiging trabaho sa lugar kung saan magtutungo ang mga pulitiko at hindi upang tulungang mangampanya ang kahit na sinong kandidato.

(Lea Ylagan / UNTV Correspodent)

Tags: , ,