PNP, naglunsad ng crackdown laban sa mga gumagamit ng pekeng vaccination cards; mga mahuhuli, kakasuhan

by Radyo La Verdad | January 17, 2022 (Monday) | 7474

METRO MANILA – Mas mahigpit na inspeksyon ang ipinatutupad ngayon ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga gumagamit ng pekeng vaccination cards upang makalusot sa mga checkpoints.

Ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, sasampahan nila ng kasong kriminal ang sino mang mahuhulihan ng pekeng vaccination cards.

Ang mga makakasuhan ay maaaring makulong ng 1 hanggang 6 na buwan at multa na P20,000-50,000.

Ang paghihigpit ng PNP ay kasunod ng mga napaulat na paggamit ng fake vaccination card sa Cotabato City.

Sinabi pa ng hepe ng pambansang pulisya na inaasahan na nila ang gagawing pandaraya ng ilan upang makalabas ng bahay kasunod ng pagpapatupad ng pamahalaan ng “No vaccination, No entry policy sa mga establisyimento at no vaccination, no ride policy naman sa mga pampublikong sasakyan.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: ,