PNP, naghahanda na sakaling aprubahan ang pagpapatupad ng granular lockdown

by Erika Endraca | September 3, 2021 (Friday) | 11603

METRO MANILA – Ikinukonsidera ng pamahalaan ang pagpapatupad ng granular lockdowns sa halip na city o provicial wide Enhanced Community Quarantine.

Ito ay upang mapigilan ang lalong paglaganap ng COVID-19 pandemic habang isinasaalang-alang ang kabuhayan ng mga residente at ekonomiya ng bansa.

Suportado ito ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Ayon sa DILG, hinihintay na lang nila na maaprubahan ito ng Interagency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ngunit ngayon pa lang ay nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police Chief sa mga Local Government Unit (LGU) upang paghandaan ang pagpapatupad nito.
“Ito ay isang proposal pa lamang, subalit mas maigi nang paghandaan ito nang maaga upang hindi na magdulot ng kalituhan na maaaring mauwi sa hindi pagkakaunawaan kung sakaling maaprubahan ito.” ani PNP Chief, Pgen. Guillermo Eleazar

Ayon naman kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos Jr., mas gusto rin ng mga alkalde sa kalakhang maynila ang konseptong ito.ani PNP Chief, PGen. Guillermo Eleazar

It gives a lot of flexibility lalo na sa mga mayors and even to region itself at hindi lang yon, mapi-pinpoint mo kung saan ka dapat magluwang to make sure gumanda na rin ang ekonomiya natin.

Sa tala ng Metro Manila Council, mahigit 3,000 lugar na sa National Capital Region (NCR) ang nasa ilalim ng granular lockdowns kung saan karamihan ay mga household o bahay lang.

Tiniyak naman ni DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na tutulong ang national government sa mga LGU kung ipatutupad ang granular lockdown sa halip na city o provincial wide lockdown.

“Sinisuguro po ng national government na mayroon pong augmentation na ibibigay kung saka sakali mag iimpose ng granular lockdown ang mga local government units. Ang tulong maibiigay natin is thru dswd. Ibig pong sabihin dun sa 2 linggong granular lockdown sa pangalawang linggo po papasok ang DSWD and the Nat’t Gov’t. Para magbigay ng tulong para doon sa mga nakalockdown.” ani PNP Chief, Pgen. Guillermo Eleazar.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: , , ,