PNP, naghahanap pa ng ebidensya laban sa heneral na umano’y sangkot sa corruption at illegal drugs

by Radyo La Verdad | June 6, 2016 (Monday) | 1478

PNP
Inihayagng pamunuan ng Pambansang Pulisya na may natatanggap silang mga ulat hingil sa pagkakasangkot ng ilang police generals sa corruption at illegal drugs.

Ayon kay PNP Chief PCSupt. Ricardo Marquez, ito’y sa paraan ng text messages at unsigned letters.

Kaya naman agad nyang pinakilos ang intelligence group ng PNP upang ipa-validate ito.

Bukod dyan, nagpadala na rin sya ng special team sa Visayas mula sa Anti-Illegal Drugs Group ng PNP upang alamin ang katotohanan sa isyu.

Nagresume na rin aniya ang full blast counter intelligence ng mga pulis na bahagyang naantala matapos na magduty ang mga ito noong halalan.

Dagdag ng heneral hindi naman kinukunsinti ng pamunuan ng Pambansang Pulis ang mga maling gawain ng kanilang mga tauhan.

Sa katunayan ay mayroon na silang 91 pulis na nakasuhan na lumabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Iginit naman ni Marquez na ang sinumang inakusan ng pagkakasangkot sa droga ay kailangang dumaan sa tamang proseso ng batas.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: ,