PNP, nagbigay ng mga paalala sa mga magbabakasyon upang maiwasang mabiktima ng mga mapagsamantala

by Radyo La Verdad | April 8, 2022 (Friday) | 53460

METRO MANILA – Inaasahan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagdagsa ng mga uuwi sa mga lalawigan at magtutungo sa mga pasyalan o tourist destinations ngayong mahabang bakasyon.

Kaya naman ayon kay PNP Spokesperson Pcol. Jean Fajardo, naghanda na ang PNP ng security measures ukol dito.

Limang libong pulis ang ipapakalat nila sa mga tourist destinations upang mangalaga sa seguridad at magpatupad ng minimum health standards.

Paalala pa ni Fajardo sa mga bibiyahe, huwag magdala ng mamahaling alahas at gadgets , maging alerto sa paligid upang hindi mabiktima ng mga snatcher at mandurukot.

Ibilin din sa mapagkakatiwalaang kapitbahay ang iiwang tahanan upang hindi mabiktima ng akyat bahay gang.

Iwasan din ang pagpo post sa social media ng “At the moment” o ATM .

Sa mga may dalang sasakyan, huwag kalimutang icheck ang BLOWBAGETS o battery, lights , oil, water, breaks, air, gas engine, tire at self upang maging ligtas sa paglalakbay.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: