PNP, nagbabala sa mga bibili ng iligal at imported na mga paputok

by Radyo La Verdad | December 31, 2015 (Thursday) | 2324

PAPUTOK-2
Muling pinaalalahanan ngayon ng Philippine National Police ang publiko na huwag bumili ng mga iligal at imported na paputok.

Ayon sa PNP,ipinagbabawal ang paggamit at pagtangkilik ng mga iligal at imported na paputok dahil sa panganib na maaring idulot nito.

Paliwanag ng PNP, bukod sa pagbibigay proteksyon sa fireworks local industry, ipinagbabawal ang paggamit ng mga imported na paputok dahil sa mga hindi tukoy na sangkap na ginagamit dito, at hindi rin tiyak kung nasusunod ng mga ito ang safety precautions na itinatakda ng batas.

Babala ng pnp, sinomang mahuhuli na gumagamit ng mga ipinagbabawal na paputok ay kukumpiskahin nilaang mga ito.

Sa halip anila na tangkalikin,mas makabubuti kung makikipagtulungan ang publiko upang masugpo ang mga ganitong uri ng iligal na gawain.

Patuloy rin ang palala ng pambansang pulisya sa publiko na gawing ligtas at mapayapa ang pagdiriwang sa pagpasok ng taong 2016.

Samantala, muli ring iginiit ng pnp ang mahigpit na pagbabawal ng pagpapaputok ng baril sa pagpapalit ng taon.

Ito’y matapos na masawi ang isang siyam na taong gulang na batang babae mula sa bulacan na tinamaan ng ligaw na bala habang ito ay naglalaro noong December 24.

Agad na sumailalim sa operasyon ang bata sa East Avenue Medical Center, ngunit binawian rin ito ng buhay noong December 25.

Tiniyak naman ng PNP, na sa ngayon ay nagsasagawa na sila ng mahigpit na imbestigasyon, upang mapapanagot ang sinomang responsable sa naturang insidente.

(Joan Nano/UNTV News)

Tags: , ,