PNP molecular lab sa Cebu, pinagkalooban na ng lisensiya ng DOH

by Erika Endraca | March 18, 2021 (Thursday) | 12350
Photo Courtesy : PNP

CEBU CITY – Pormal nang kinilalala ng Department of Health (DOH) ang Regional Health Service 7 Molecular Laboratory upang makapagsagawa ng Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test sa mga personnel ng Philippine National Police (PNP) sa Region 6, 7 at 8.

Ayon kay PNP Officer-In-Charge Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang naturang health facility sa Camp Sotero Cabahug, Cebu City ay maaaring makapag-test ng 60-80 (Manual) at 120-180 (Automated) na specimen kada araw.

Tiniyak pa ni Eleazar na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng PNP-Health Service sa PNP-Directorate for Comptrollership ukol sa pagbili ng regeants at iba pang medical supplies para sa COVID-19 testing.

Kamakailan lamang ay binuksan ang karagdagang molecular laboratory sa Davao City para sa mga personnel sa Western at Southern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Caraga at Bangsamoro Autonomous Region.

Bukod ito sa dalawang lab sa Camp Crame na naglalayong mapigilan ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya.

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Tags: ,