Nagsasagawa ng field visitation at konsultasyon sa mga police officer ang mga mambabatas na dating pulis at sundalo kaugnay ng isinusulong nilang PNP Modernization bill.
Kapag naisabatas ang panukalang batas bukod sa upgrading ng mga equipment at pasilidad inaasahang magkakaroon ng sapat na pagsasanay at kaalaman ang buong pulisya.
Sa ngayon nasa deliberasyon pa lamang sa mababang kapulungan ng kongreso ang panukalang batas.
Hindi man maipasa ngayong 16th congress ang PNP Modernization bill, muli itong isusulong ng mga mambabatas sa 17th Congress.
Ngayon huwebes, nakipagpulong din ang mga mambabatas sa mga opisyal ng Philippine Public Safety College.
Bahagi rin ng PNP Modernization ang PNP Academy.
Isa rin sa mga usapin ang suhestiyong isailalim ang pnpa sa command at control ng PNP.
Sa limang taong modernization plan naman ng PNPA, target nitong i-develop ang mga imprastraktura sa loob ng akademya at pag-ibayuhin ang kaalaman at practical skills ng mga kadete. (Rosalie Coz/UNTV News)