METRO MANILA – Binigyang diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec Epimaco Densing III na may legal na basehan ang mga otoridad na manghuli ng mga indibidwal na tahasang lalabag sa face mask mandate sa Cebu.
Ang pahayag ng DILG ay bunsod ng pagmamatigas ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na manatili ang kanyang kautusan sa lalawigan na gawing optional na lamang ang pagsusuot ng face mask.
Nguni’t ayon kay Usec Densing ang national government ang nagpapatupad nito at marapat lang na sundin.
Ayon din sa Philippine National Police at Department of Health (DOH), bagamat inirerespeto nila ang pamamalakad ni Gov. Garcia sa kanyang nasasakupan, mas mananaig pa rin ng direktiba ng IATF lalo at aprubado naman ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Paalala pa ng DOH, bukod sa COVID-19, ang pagsusuot ng face mask ay proteksyon din sa iba pang nakahahawang sakit tulad ng Monkeypox.
(Aiko Miguel | UNTV News)