PNP, may lead na sa mga suspect na pumatay sa dating opisyal ng CIDG

by Radyo La Verdad | April 20, 2017 (Thursday) | 2130


Malaki ang naitulong ng mga cctv footage sa lugar na pinuntahan ni Police Chief Inspector Macatlang sa imbestogasyon ng PNP.

Inaalam na ngayon ng mga imbestigador ang posibleng grupong kinabibilangan ng mga suspect.

Base sa cctv footage madaling araw ng Martes, April 18, sakay ng puting adventure si Macatlang.

Mula sa loob ng Camp Crame nakasunod na sa kanya ang isang motorsiklo.

Paglabas nito ng gate 2 ng kampo bumuntot na ang riding in tandem.

Hindi na umalis sa likod ng puting adventure ang riding in tandem habang binabaybay ni Macatlang ang EDSA.

Huminto sa isang gasolinahan sa Pasig si Macatlang.

Maya-maya pa ay lumapit sa diver side ang isang lalakeng nakaletmet at doon na pinagbabaril ang biktima.

Nagmamdali namang tumakas ang mga suspek.

Ayon kay CIDG Police Director Roel Obusan, si Macatlang ay dating hepe ng criminal investigation ang detection group sa Eastern Police District.

Nakasama rin sya sa anti-drug operations ng PNP.

Humihingi ng hustisya ang pamilya ng biktima.

Si Macatlang ay nakatanggap na ng mga parangal kabilang na ang medalya ng kagalingan dahil sa pagkakahuli sa magkapatid na Joel at Mario Reyes sa Thailand noong Sept. 2015.

(Grace Casin)

Tags: , , ,