PNP, may bagong hotline vs mga abusado at tiwaling pulis

by Radyo La Verdad | February 6, 2017 (Monday) | 2664


Muling hinikayat ni pamunuan ng Philippine National Police ang publiko na i-text o itawag sa kanilang bagong Counter Intelligence Task Force o CITF hotline number na 0998-970-2286 ang sumbong laban sa mga mang-aabuso, mangongotong at mga walang disiplinang pulis.

Ayon sa hepe ng Task Force na si PS/Supt. Jose Chiquito Malayo, pagaganahin nila ang kanilang PNP Regional Offices para sa imbestigasyon ng bawat sumbong na kanilang matatanggap.

Tiniyak naman ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na dadaan sa validation ang mga sumbong upang matiyak na lehitimo ang mga ito at maiwasan ang posibleng harassment sa mga pulis.

Matapos ma-validate ang isang reklamo, maaari na itong ibestigahan ng CITF at kung ito ay mapapatunayang totoo, maaari silang magbigay ng rekomendasyon na matanggal sa serbisyo ang mga ito.

Tiniyak naman ni Malayo na magiging mahigpit sila sa pagpili ng mga taong makakasama upang hindi rin mahaluan ng mga tiwaling pulis ang grupong magsisiyasat dito.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)