Naniniwala ang Philippine National Police na mas mapapadali ang pag-resolba sa mga problema at pagpapatupad ng peace and order kung magtutulungan ang komunidad at pulisya.
Ngayong police community relations month, plano ng PNP sa Masbate at La Union na magsagawa ng symposium at training sa mga pulis, kabataan at sibilyan ukol sa panganib na hatid ng illegal drugs sa lipunan.
Kakatulungin rin nila ang mga mag-aaral para sa ipatutupad na student crime prevention program sa mga paaralan.
Nanawagan rin sila sa publiko na maging alerto at isumbong sa mga kinauukulan ang mga iligal na gawain sa kanilang lugar.
(UNTV RADIO)
Tags: iligal na droga