Maglalabas ng panuntunan ang Philippine National Police (PNP) patungkol sa gagawing panghuhuli ng mga tambay sa kalye.
Ayon kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde, gagawin nila ito dahil ayaw nilang may malabag sa karapatang pantao ang mga pulis.
Sakali naman aniyang may reklamo laban sa kanilang mga tauhan, maaari itong iparating sa pinakamalapit na istasyon ng PNP.
Samantala, itinanggi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na pasimula ang hakbang na ito sa pagdedeklara ng nationwide martial law.
Tags: guidelines, PNP, tambay sa kalye