PNP, kinumpirmang tauhan ng NBI si alyas Jerry na kasabwat sa Jee Ick Joo kidnap slay case

by Radyo La Verdad | January 24, 2017 (Tuesday) | 1296

GRACE_DELA-ROSA
Driver ng isang director ng National Bureau of Investigation si alyas Jerry na kasabwat sa Jee Ick Joo kidnap slay case.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police Chief Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon sa heneral, bukod kay Jerry ay may isa pang NBI civilian agent at dalawa pang pasulpot-sulpot lamang upang i-check ang trabaho ng grupo.

Kahapon sinabi ni AKG Director PSSupt. Glenn Dumlao na na-pre-empt ang una nilang tangkang pagsisilbi ng search warrant sa Gream Funeral Services ng unahan sila ng NBI sa paglusob kahit walang dalang search warrant.

Ayon naman kay Chief PNP, bagamat may mga tauhan ng nbi at pnp na sangkot sa kaso, pinagtutulungan na nilang ito resolbahin upang maparusahan ang mga suspek at malinis ang imahe ng dalawang ahensya ng gobyerno.

Kumbinsido din si Gen. Bato na malaking grupo sina Sta. Isabel at matagal na nilang ginagawa ang iligal na trabaho.

Kahapon isiniwalat ni PO2 Christopher Baldovino na apat na tropa mula nbi ang kasama nila sa surveillance operation noong Oct. 4 sa pamumuno ni alyas Jerry.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: ,