PNP, kinumpirmang 4 ang hostage na hawak ng mga rebeldeng grupo habang 2 pulis na ang nasawi sa engkwentro sa Marawi City

by Radyo La Verdad | May 25, 2017 (Thursday) | 1214


4 ang mga hostage na hawak ngayon ng mga rebeldeng grupo ayon sa PNP, subalit hindi pa maibigay ng PNP ang pagkakakilanlan ng mga ito.

2 pulis na rin ang kumpirmadong nasawi sa bakbakan.

Ang mga ito ay nakilaang sina Senior Inspector Freddie Solar at Police Inspector Edwin Placido habang 2 iba pang pulis ang sugatan sa engwentro.

Bineberipika pa sa ngayon ng PNP sa bilang ng mga nadamay na sibilyan sa insidente.

Tinanggi naman ng PNP na balitang sinunog ng mga rebelde ang Marawi Police Station.

Sa ngayon ang target umano ng mga otoridad doon at ang mailikas ang mga residente upang hindi magkaroon ng maraming casualties oras na lalo pang uminit ang tensyon sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at ng armed forces.

Sapat din daw ang bilang ng special action force para kontrlin ang lugar.

Nakahanda rin ang PNP sakaling kailanganin ng dagdag na pwersa sa Marawi City.

Nakatakdang maglabas ang PNP ng guidelines para sa Police Operational Procedure upang matiyak na hindi malalabag ng mga alagad ng batas ang karapatan ng mga sibilyan sa panahon ng deklarasyon ng Martial Law.

Nakiusap ang PNP sa mga kumukuwestiyon sa deklarasyon ng Martial Law na makipagtulungan na lang sa mga otoridad upang agad na matapos ang gulo at wala nang sibilyan pang masasaktan sa tensyong nagaganap sa Marawi City.

(Grace Casin)

Tags: