Hindi sinasadyang pumatay ng mga pulis ng mga drug personalities sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga.
Nasasawi umano ang mga ito dahil lumalaban sa mga pulis na nagsasagawa ng anti-drug operation.
Kaya ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, hindi totoo na may ginagawang extra judicial killings ang PNP.
Idinipensa din ni Albayalde ang Pangulo sa naging pahayag nito kahapon na ang kaniyang kasalanan ay extra judicial killings.
Ayon sa heneral, marahil ay dismayado lang ang Pangulo sa paulit-ulit na mga bintang ng kaniyang mga kritiko.
Iginiit din ni Albayalde na walang ibinabang mandato sa mga pulis na patayin ang mga drug personalities sa kanilang mga operasyon.
Dagdag pa niya na kung may pulis na nasasangkot sa pagpatay ay agad itong inaalis sa pwesto, iniimbestigahan at kinakasuhan.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )