Inilunsad ngayon ng Philippine National Police o PNP ang ikalawang bahagi ng Automated Fingerprinting Identification System o AFIS.
Ito ang computerized fingerprint storage system kung saan ini-encode ang mga fingerprints na nakuha mula sa mga crime scene sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Paliwanag ng PNP, kapag nag-search sa AFIS may lalabas na sampung nominees na malapit sa hinahanap na fingerprint ng hinahanap na suspect.
Sa pamamagitan nito magiging madali na ang pag-identify sa isang suspect at ang mga krimeng kanyang nagawa .