PNP inaming nakatanggap ng 7 bomb threat kahapon

by Radyo La Verdad | December 7, 2023 (Thursday) | 12773

METRO MANILA – Inamin ng Philippine National Police (PNP) na nakatanggap sila ng 7 bomb threat kahapon (December 6).

6 dito ay kinabibilangan ng 2 sa Department of Budget and Management (DBM), Department of Labor and Employment (DOLE), National Museum, Department of the Interior and Local Government (DILG) at National Economic and Development Authority (NEDA). Habang 1 sa Pangil Elementary School sa Laguna.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, lahat ito ay nirespondehan ng PNP subalit negatibo ang resulta.

Sinabi pa ni Col. Fajardo na ang naturang mga bomb threat ay nagmula sa email ng isang umano’y abogado sa Japan na si Takahiro Karasawa. Dagdag ni Col. Fajardo, na trace din ang IP address ng mga email mula sa Japan.

Sa katunayan, natanggap na din aniya sa Taiwan, China at South Korea ang kaparehong mga bomb threat.

Paalala ng PNP sa publiko mag ingat sa pagsi-share ng mga hindi beripikadong impormasyon dahil maaari aniyang makasuhan ang sino mang gumagawa nito.

Tags: ,