PNP, inaming malaki pa ang problema sa iligal na droga sa bansa

by Radyo La Verdad | August 9, 2018 (Thursday) | 5853

Aminado si Philippine National Police chief PDG Oscar Albayalde na kulang pa ang kanilang effort sa war on drugs. Ito aniya ay sa kabila ng pagkakahuli ng mga drug suspect sa araw-araw na operasyon.

Bunsod nito, sinabi ng pinuno ng pambansang pulisya na mas matindi ang gagawin nila sa kampanya laban sa iligal na droga ngayon. Nais aniyang maging mas ligtas ang bawat sulok ng bansa at wakasan nang tuluyan ang bumababang bilang ng krimen sa bansa na nag-uugat sa iligal na droga.

Muli namang nangako ang Pangulo ng suporta sa mga pulis na makakasuhan at masususpindi dahil sa pagtupad sa kanilang mandato.

Handa rin aniya syang bigyan ng magaling na abogado ang mga ito at ibigay ang buwanang sweldo na mawawala sa mga ito.

At dahil hanga ang Pangulo sa trabaho ng matitinong pulis, ibibigay na rin aniya umpisa ngayong buwan ang ipinangakong P25 milyon piso na monthly hospitalization.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,