PNP, ilalagay sa heightened alert status, simula sa susunod na Linggo

by Radyo La Verdad | March 30, 2023 (Thursday) | 15328

METRO MANILA – Naglunsad na  ng security deployment plan ang Philippine National Police (PNP) para sa darating na mahabang bakasyon.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, nasa mahigit sa 70,000 pulis ang kanilang  ide-deploy simula sa susunod na Linggo.

Kabilang dito ang 39, 504 na itatalaga  sa mga pasyalan at  transportation hubs gaya ng airports, seaports at bus terminal.

Habang 38,387 naman  ang ide-deploy bilang foot at mobile patrol para sa mas maigting na police presence sa mga pasyalan.

Bagamat walang natatanggap na banta sa seguridad ang PNP para sa mahabang bakasyon.

Itataas ng pambansang pulisya ang kanilang pag-alerto sa heightened alert status.

Sa ilalim ng heightened alert status, nasa 80% ng PNP personnel ang obligadong mag duty at umalalay sa publiko.

Maglalagay din aniya ng police assistance desk ang PNP maging sa mga pangunahing lansangan para umalalay sa exodus ng mga motorista.

Pakiusap naman ng PNP sa publiko, makipagtulungan sa mga otoridad para sa maayos at ligtas na paglalakbay.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: ,