PNP, iginiit na hindi fabricated ang mga ebidensya sa operasyon ng CIDG sa bahay ni Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog

by Radyo La Verdad | July 31, 2017 (Monday) | 2051


Mariing tinutulan ng Philippine National Police ang paratang ni Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog na planted ang ebidensya nakuha mula sa kanilang bahay.

Kabilang sa mga nakakuha ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ay m-79 riffle, malaking halaga ng pera at shabu sa mismong bahay ng mga Parojinog.

Nanindigan din si PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa na walang mali sa pag-iisyu ng search warrant ng alas dos y medya ng madaling araw.

Nilinaw rin ng PNP na nagkataon lamang na si Police Chief Inspector Jovie Espenido ang kasalukuyang hepe sa Ozamiz-PNP nang mangyari ang pagsalakay at pagkakapatay sa grupo ni Mayor Rolando Parojinog.

Si Espenido rin ang hepe sa Albuera Leyte nang mapatay ang umano’y narcopolitician na si Mayor Rolando Espinosa Sr. sa Baybay City Sub-Provincial Jail noong nakaraang taon.

Sa ngayon ay nasa kustodiya pa ng PNP si Vice Mayor Parojinog at kapatid nito na si Reynaldo Jr. Sumailalim ang dalawa sa proper booking procedure gaya ng medical, finger printing at mugshots.

Hihilingin naman ng abogado ng pamilya Parojinog na mailipat sa Ozamiz ang kaso ng kanyang mga kliente

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,