PNP-IAS, pinauubaya na sa Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban sa mga pulis na nasa likod ng “secret jail”

by Radyo La Verdad | May 19, 2017 (Friday) | 14924


Wala na sa hurisdiksyon ng PNP-Internal Affairs Service o IAS ang pagsasampa ng kasong criminal at administratito laban sa mga puils na umanoy involves sa “secret cell”.

Ito ang nilinaw ni Inspector General Alfegar Triambulo.

Paliwanag niya ngayong nagsampa na ng pormal na reklamo ang Commission on Human Rights sa Office of the Ombusaman hindi na sila maaari pang makialam sa imbestigasyon.

Wala rin umano sa kanilang kapangyarihan na iabswelto ang mga nasabing pulis dahil isinumite na nila sa Ombudsman ang kanlang fact finding report.

Naniniwala naman ang Commission on Human Rights na sapat ang mga ebidensyang kanilang isinumite sa Ombudman para mapanagot ang mga naturang pulis.

(Grace Casin)

Tags: , , ,