PNP-HPG, magde-deploy ng mga tauhan na mag-aayos ng trapiko sa EDSA sa February 25 ika -30 anibersaryo ng EDSA People Power

by Radyo La Verdad | February 16, 2016 (Tuesday) | 1692

LEA_Gunnacao
Simula alas-dose uno hanggang alas ng hapon sa February 25, hindi maaaring daanan ang Northbound lane ng EDSA mula Ortigas hanggang Boni Serrano Ave.

Ayon kay PNP-HPG Director P/CSupt. Arnold Gunnacao, maging ang mga kalsada malapit sa EDSA Ortigas tulad ng white plains, Meralco Avenue at Katipunan extension ay tiyak ding apektado.

Kaya naman payo ng HPG sa mga motorista, iwasan na muna ang dumaan malapit sa lugar ng selebrasyon upang maiwasan ang matinding abala dulot nang masikip na traffic.

Nagtalaga naman ng alternate routes at zipper lanes ang MMMDA para sa mga maapektuhan ng pagsasara ng mga naturang kalsada.

Para sa mga manggagaling ng Makati patungong Quezon City, maaaring kumanan sa Shaw Blvd. patungong C-5 pasig at lumabas sa Boni Serrano, EDSA.

Mula Makati, pwede ring dumaan sa Mabuhay Lane #7 kung saan babagtasin ang Mandaluyong, San Juan diretso sa New Manila, Timog Avenue palabas ng Quezon Memorial Circle.

Tiniyak naman ng PNP-HPG na mayroon pa silang limampung tauhan na tutulong sa pagmamando ng traffic bago dumating ang Santolan, Ortigas at maging sa mga arteries upang i-guide ang mga motorista.

Bukod pa ito sa mahigit 200 tauhan ng HPG na matagal nang nagmamando ng traffic sa kahabaan ng EDSA.

Paliwanag pa ni Gunnacao, karamihan ng kanilang mga tauhan sa EDSA ay nagtutungo sa mga side street o daan na naka-konekta sa EDSA upang paluwagin din ito.

Itoy dahil kapag nagsisikip na ang mga arterial road ay tiyak na maaapektuhan na rin ang daloy ng mga sasakyan EDSA.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,