PNP – HPG at LTO nagsagawa ng inspection sa mga bus terminal sa Calabarzon region

by dennis | April 1, 2015 (Wednesday) | 2213

laguna-terminal-inspection-3

Nagsagawa ng inspeksyon ang pinagsanib na pwersa ng Land Transportation Office, at PNP Highway Patrol Group sa mga bus terminal sa Calabarzon region kaninang umaga.

Itoy upang tiyakin na nasa maayos na kondisyon ang mga pampasaherong bus na bibyahe papunta sa iba’t ibang probinsiya sa Southern Tagalog region at mga bus na biyaheng Maynila.

Isang driver ng Green Star Express Incorporated na biyaheng Alabang ang hindi pinabyahe ng LTO dahil expired na ang violation ticket na hawak nito dahil sa pagsakay sa unloading zone.

Binalaan nito ang driver na si Jerry Quaresma na kapag bumiyahe ito at mahuli ay maaari siyang suspindihin sa pagmamaneho ng isang taon bukod pa ang multa na ipapataw sa kaniya.

Bukod dito maaga pa lang ay dalawang sasakyan na ang nahuli ng LTO dahil sa paglabag sa “no registration, no travel policy” na epektibo na ngayong araw.

Paliwanag ng nahuling driver na si Glenn Pili na hindi niya alam ang bagong polisiya ng LTO at nakarehistro naman aniya ang kaniyang sasakyan pero wala pa itong bagong plaka na ibibigay dapat ng kanilang motor dealer.

Ayon sa LTO hindi pa rin pwedeng bumiyahe ang isang sasakyan na walang bagong plaka kahit pa nakarehistro ito.

Samanatala nagsisimula nang kumapal ang mga sasakyan na dumadaan sa South Luzon Expressway north bound at south bound partikular sa Calamba at Ayala toll plaza.

Tags: , , , ,