PNP, hindi seselyuhan ang baril ng mga pulis ngayong holiday season.

by Jeck Deocampo | December 19, 2018 (Wednesday) | 5419
FILE PHOTO | UNTV News and Rescue

METRO MANILA, Philippines – Hindi seselyuhan Philippine National Police (PNP) ang baril ng mga pulis ngayong holiday season. Ayon kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde, mas responsable na ang mga pulis sa ngayon dahil sa paulit ulit na paalala ng pamunuan ng Pambansang Pulisya laban sa indiscriminate firing.

 

Ayon sa hepe ng PNP, noong nakaraang taon nakapagtala sila ng zero indiscriminate firing incident sa hanay ng mga pulis. Ito rin ang kanilang target ngayong taon.

“Medyo napapahiya tayo kapag nakakakita sila ng pulis na may masking tape sa dulo. Tinatawanan tayo kung minsan kung bakit kailangan nating i-masking tape ang baril where in fact kung gusto mong iputok yun e pwede mo namang tanggalin yung masking tape,” ani PNP Chief PDG Albayalde.

Ayon pa kay Albayalde mahigpit ang kanilang polisiya sa indiscriminate firing. Sinumang pulis na mahuhuling lalabag dito ay kakasuhan at posibleng matanggal sa serbisyo. Maging ang immediate superior nito ay madadamay rin.

Samantala, ipauubaya na ng heneral regional directors kung papayagang mag-leave ang mga pulis ngayong holiday season. Ngunit tiniyak ng heneral na magsasagawa siya ng surprise inspections sa iba’t-ibang lugar sa bansa upang masigurong nagta-trabaho ang mga pulis.

 

(Lea Ylagan | UNTV News and Rescue)

Tags: , , , ,