Walang indikasyon na nabuhay muli ang New Peoples Army Death Squad kasunod ng pananambang sa mga tauhan ng Philippine National Police sa Cagayan at Candoni Negros Occidental noong nakaraang linggo.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Ricardo Marquez, wala itong basehan at talagang gawain na ng NPA ang mangikil sa mga negosyante at mang ambush sa itinuturing nitong kaaway.
Samantala, personal namang hihingan ng paliwanag ni Gen. Marquez ang mga police commander sa Cagayan matapos maambush at mapatay ang 6 na miyembro ng Regional Public Safety Battalion at pagkasugat ng 15 iba pa.
Personal aniya niyang aalamin kung saang parte nagkulang ang kanyang mga tauhan upang maayos ito at hindi na maulit sa mga susunod na operasyon.
Ayon kay Marquez masakit para sa kaniya ang pagkasawi ng mga tauhan dahil pwede namang maiwasan ang ganitong mga pangyayari kung pulido ang mga paghahanda bago ang operasyon.
dagdag pa ng heneral nais nya ring dalawin at alamin ang kalagayan ng 15 na sugatan pulis dahil sa insidente na nauna nang binigyan ng parangal na “medalya ng sugatang magiting” noong isang linggo.
Sinabi ni Gen. Marquez, bagamat nasa category 2 ang lalawigan ng Cagayan dahil sa presensya ng 126 na fully Armed New Peoples Army at may 10 barangay ng Baggao ang threatened ay hindi pa rin ito sapat para isama sa listahan ng election areas of concern.
(Lea Ylagan/UNTV News)
Tags: NPA Death Squad, PNP Chief Police Director General Ricardo Marquez