PNP, hindi nakapagtala ng anumang krimen ngayong Undas

by Radyo La Verdad | November 2, 2017 (Thursday) | 6280

Isang holdaper ang napatay matapos umanong manlaban sa mga pulis ng aarestuhin ito sa kanyang tahanan sa Bulacan. Patay ang isang notorious na holdaper matapos manlaban sa mga pulis kahapon ng umaga sa barangay Sto. Niño, Hagonoy Bulacan.

Kinilala ito na si Ricardo Viray alyas Buwaya, aarestuhin sana ng mga otoridad sa kanyang bahay dahil sa pagkakasangkot umano sa insidente ng robbery-holdup sa bayan ng Malolos noong Lunes ng umaga.

Ayon kay Malolos Chief of Police, Police Superintendent Heryl Bruno, pinasok ni Viray, kasama ang dalawang iba pa ang isang tindahan ng baterya ng sasakyan sa Barangay Longos.

Tinangay umano nito ang sampung libong piso na laman ng kaha maging ang isang dvd player, isang cellphone at walong baterya ng motorsiklo na tinatayang nagkakahalaga naman ng mahigit labing dalawang libong piso.

Ayon sa mga pulis, sangkot din si Viray sa ilang insidente ng robbery -holdup sa bayan ng Malolos, Calumpit, Hagonoy, Bulakan-Bulacan at Guiguinto. Dati na rin itong na-involve sa operasyon ng iligal na droga sa Hagonoy.

Samantala, hawak na ng  PNP ang kuha ng CCTV camera sa tindahan ng baterya ng sasakyan at anomang araw ay posibleng mahuli na rin ang dalawa pang kasama ni Viray.

 

( Nestor Torres / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: , ,