METRO MANILA, Philippines – Hindi magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang pamunuan ng pambansang pulisya hinggil sa umano’y nawawalang reward money sa Batocabe slay case.
Ayon kay PNP OIC PLTGEN. Archie Gamboa, sa tingin nila ay hindi na ito kailangan at bahala na ang mga mambabatas na imbestigahan ang issue.
Naipaliwanag na rin aniya nila noon sa mga mambabatas ang hinggil sa reward money.
Gayunman, handa aniya silang makipagtulungan sa Kongreso sakaling ituloy ng mga ito ang imbestigasyon.
Nauna nang sinabi ni Emmanuel Judavar na anim na milyong piso lamang ang ibinigay sa kanyang reward money mula sa P35 million pesos na nalikom ng PNP para ibigay sa mga informant.
(Lea Ylagan | UNTV News)
Tags: Batocabe slay case, Emmanuel Judavar, PNP