Handang handa na ang mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group para sa APEC Summit sa susunod na linggo.
Maging ang mga sasakyan na gagamitin tulad ng motor at mobile patrol ay may mga sticker na rin ng APEC.
Ayon kay HPG Spokesperson P/Supt. Grace Tamayo, pangunahing trabaho ng kanilang mga tauhan ay ang pagbibigay seguridad sa ruta at convoy ng mga delegado.
Aniya sa 842 tauhan ng HPG, 300 dito ang tutulong sa Presidential Security Group na magbibigay seguridad sa mga Head of State, 282 naman ang ibinigay sa Police Security Protection Group para naman sa seguridad ng ng mga minister.
Habang ang 227 na mga tauhan ng HPG ang nakatalaga sa edsa partikular sa tinatawag na APEC lane.
Magtatalaga rin ng mga tauhan sa Roxas Blvd, MOA at PICC na malapit sa mga hotel na tutuluyan ng mga delegado.
Sinabi ni Tamayo, ang APEC lane ay ang 2 innermost lane sa north bound at south bound ng EDSA mula Roxas Blvd. hanggang Shaw Blvd
Paliwanag pa ng opisyal, bawal daanan ng mga motoristang walang sticker ng APEC ang APEC lane dahil esklusibo lamang ito sa mga delegado at security escorts.
Tanging ang outermost lane lamang ng EDSA ang maaaring daanan ng mga motorista subalit pahihintuin ang mga ito 30 minutes bago dumaan ang mga delegado bilang bahagi ng ipatutupad na mahigpit na seguridad.
Kaya’t panawagan ng HPG sa publiko iwasan muna ang EDSA at sa halip ay dumaan sa mabuhay lanes upang hindi maipit sa matinding traffic simula sa lunes. (Lea Ylagan/UNTV News)