PNP Health Service, itinangging Dengvaxia ang sanhi ng pagkamatay ng isang pulis sa Quezon City

by Radyo La Verdad | March 22, 2018 (Thursday) | 8262

Hindi naturukan ng Dengvaxia ang pulis na napabalitang namatay dahil sa naturang anti-dengue vaccine.

Ayon kay Health Service Acting Director PSSupt. Ma. Antonietta Langcauon, wala sa listahan ng mga naturukan ng Dengvaxia si SPO2 Vicente Arugay ng QCPD Station 6.

Sinabi pa nito na 50 years old na rin si Arugay at hindi na pasok sa 9-45 years old na required na edad para mabakunahan ng  Dengvaxia.

Ayon sa mga doktor ng PNP, leptospirosis ang ikinamatay ni Arugay batay sa mga ipinakitang sintomas nito na lagnat, decrease in sorium at jaundice kayat hindi na ito makausap. Bandang huli  ay nagkaroon na rin ito ng bleeding.

Dagdag ni PNP Chief PDG Ronald Dela Rosa, wala silang itinatago sa kondisyon ng mga pulis na naturukan ng Dengvaxia

Sa 1,548 na naturukan ng Dengvaxia sa loob ng Kampo Crame, wala na aniya ang nananatili pa sa PNP General Hospital noon pang March 16.

Isang utility worker ng  PNPGH noon ang napabalitang namatay dahil sa Dengvaxia subalit ayon sa PNP Health Service, namatay ito dahil sa pnuemonia.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,