MANILA, Philippines – Binunyag muli ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga opisyal sa gobyerno na nanatiling may kaugnayan sa iligal na droga.
Sa kanyang pagdalo sa Valdai Forum sa Sochi City sa Russia noong Biyernes (October 4), sinabi ng Pangulo na may dalawa pang heneral na umano’y patuloy na nasasangkot sa transaksyon sa iligal na droga.
Subalit, tila nag-iba ang tono ng Pangulo dahil sa kanyang arrival speech sa Davao City Kahapon ng hapon (October6).
Paliwanag ng Pangulo kung bakit binago nya ang nauna nyang pahayag. Ayon naman sa PNP, nakahandang itong humarap sa anomang posibleng pagdinig o imbestigasyon na isasagawa para mabigyang linaw ang naturang isyu.
Sa kabila ng isinasagawang pagdinig sa Senado hinggil sa 2013 Pampanga Drug Raid, nilinaw ng PNP na wala pa itong nasasagap na impormasyon na dawit ang matataas na opisyal ng pulisya sa iligal na droga.
Tiniyak nito sa publiko na patuloy nitong paiigtingin ang kampanya kontra iligal na droga at internal cleansing program para iaalis sa serbisyo ang mga tiwalang pulis.
(April Cenedoza | UNTV News)
Tags: iligal na droga, PNP