Dumepensa ang Philippine National Police (PNP) sa tila hindi pagiging agresibo sa pag-aresto kay dating First Lady Imelda Marcos kumpara ipinakita nilang kilos nang arestuhin si Senator Antonio Trillanes IV noong nakaraang buwan.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, kaparehong respeto ang kanilang ipinakita kay Trillanes at Marcos.
Si Marcos ay nahatulang guilty sa pitong graft cases subalit bailable ang kaso.
Nilinaw rin ni Albayalde na hindi maituturing na harassment ang ginawang pagbabantay ng CIDG arresting team sa labas ng Senado, kahit wala pang warrant of arrest laban sa senador.
Tags: CIDG arresting team, dating First Lady Imelda Marcos, Senator Antonio Trillanes IV