PNP, dapat na ikonsidera ang pagbabalik ng Oplan Tokhang – Sen. Dela Rosa

by Radyo La Verdad | December 20, 2022 (Tuesday) | 23375

METRO MANILA – Dapat ikonsidera ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabalik ng Oplan Tokhang, ayon kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon sa senador napaka-epektibo ng Oplan Tokhang sa pagpapababa ng demand sa droga.

Nagresulta aniya ito sa 1.6 million surrenderees at pagkakaaresto ng 300,000 drug offenders.

Ang oplan tokhang ay bahagi ng anti-drugs campaign ng administrasyong Duterte.

Ang ibig sabihin nito ay door-to-door na pagkatok at pakikiusap sa mga gumagamit ng droga na tigilan na ito.

Paliwanag din ni bato na ang libo-libong namatay sa laban kontra droga ng dating administrasyon ay dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Si Dela Rosa ay dating Director ng Davao City Police. Siya ang kauna-unahang PNP Chief na itinalaga ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte at nanguna sa war on drugs campaign ng former administration.

Tags: ,