Magsasampa ng kaso ang kampo ng pamilya Parojinog laban sa PNP Criminal Investigation and Detection Group.
Nalabag umano ng CIDG ang article 125 ng Revised Penal Code na kung saan dapat ay maisailaim sa inquest proceeding ang isang naaresto sa loob ng 36 hours.
Noong Lunes pa sana na-inquest si Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog at kapatid nito na si Reynaldo Parojinog Jr.
Subalit nagkaroon ng problema sa transportasyon ayon sa CIDG. Kahapon natuloy na sa PNP Custodial Center ang inquest proceedings ng mga ito.
Illegal possession of firearms, illegal possession of illegal drugs at illegal possession of explosives ang reklamo na inihain laban sa magkapatid na Parojinog.
Submitted pa lamang for resolution ang reklamo at nasa desisyon ng DOJ kung sasabihin nilang may probable cause na makasuhan ang mga Parojinog.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)
Tags: Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog, Parojinog Jr, PNP-CIDG