METRO MANILA – May hawak na listahan ang Philippine Naitional Polie Criminal Investigation Group (PNP-CIDG) ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na inirereklamo hinggil sa maanomalyang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) fund.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac, ang listahan ay mula mismo sa
8888 hotline kung saan inirereklamo ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Ang mga nasa listahan aniya ang target ng case build up na ginagawa ngayon ng mga imbestigador mula sa CIDG.
“Nagsimula nang kumpletuhin ng CIDG ang listahan at ganun na rin ang pangangalap ng karagdagang mga ebidensya.” Ani PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac.
Kabilang aniya sa bubusisiin ng CIDG ay ang disbursement records, paper trail evidences at sworn statement ng mga recipients hinggil sa sumbong na iregularidad.
“ Sa ngayon ay kasalukuyang ginagawa ng CIDG ang case build up laban sa ilang mga lokal na opisyal na may mga alegasyon o report na umanoy sangkot sa kurapsyon sa pamamahagi ng social amelioration fund” ani PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac
Sinabi pa ni Banac na layon nito na makakuha ng matibay na ebidensya laban sa mga inirereklamong LGU para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
“Gagawin ang imbestigasyon at sasampahan ng kaukulang kaso ang mga nasabing mga opisyal.”ani PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac.
Ang Directorate for Investigation and Detective Management naman ang tututok sa imbestigasyon at hanggang sa pagsasampa ng kaso.
Sa public address ng Pangulo, tinukoy nito ang isang barangay official sa Bulacan kung saan hinahati umano ang ipinamimigay na pera para sa mga SAP beneficiaries.
(Lea Ylagan | UNTV News)
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com